IBINAYAD NA RENEWAL FEE SA PRANGKISA NG MGA TRICYCLE DRIVERS SA BAYAN NG BINMALEY, IBINALIK

Magandang balita para sa lahat ng mga tricycle drivers ng bayan ng Binmaley dahil ang kanilang mga ibinayad na renewal fee para sa kanilang mga prangkisa ay ibinalik ng alkalde.
Ang naturang pag-refund na ito sa 101 na drivers sa bayan ay inisyatibo ito ng alkalde kung saan aniya, maliit lamang umanong halaga ito kung saan aniya imbes na ibayad pa ito ay ibibili nalang ng mga pangangailangan ng kani-kanilang pamilya ang halagang ito.
Ang tulong na ito ng alkalde ay mula sa kanyang personal nitong pondo kung saan nagpapasalamat ang mga drivers dahil kahit papaano umano ay malaking tulong na ang P300 para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. |ifmnews

Facebook Comments