IBINEBENTANG IODIZED SALT SA PAMILIHAN NG BACNOTAN, LA UNION, ININSPEKSYON

Ininspeksyon ng Nutrition Action Office ng Bacnotan, La Union ang mga market stalls na nagbebenta ng iodized salt sa pamilihang bayan kasunod ng pagtalima sa Salt Iodization Law.
Tiniyak na may sapat na iodine ang mga ibinebentang asin at sumusunod sa pamantayan ng batas ang mga manlalako.
Layunin na masugpo ang iodine deficiency disorders sa bansa partikular sa mga kabataan at buntis, sa pamamagitan ng monitoring ng kalidad ng mga mabibiling asin sa mga pamilihan.
Paiigtingin pa ng tanggapan ang koordinasyon sa iba pang ahensya upang magkaroon ng nagkakaisang hakbang sa implementasyon ng Salt Iodization Law sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments