IBP Chairman Cayosa, may payo kay Pangulong Duterte sa hindi natuloy na debate nito kay Justice Carpio

122

Pinayuhan ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) Chairman Domingo Cayosa sina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa balak ng mga itong debate kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cayosa, walang ibang natutuwa sa sagutan kundi ang China lamang.


Habang hindi rin aniya kanais-nais na ang China lamang ang nakikinabang kung nag-aaway ang mga lider ng bansa at nagkakagulo na ang iba’t ibang sektor.

Naniniwala naman si Cayosa na mas mainam na magkaroon muna nang pag-uusap ang dalawa bago pa man mag-debate para maiwasan ang politika at hindi pagkakaintindihan.

Facebook Comments