Wala pang nababanggit ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung ipapatawag din ng ICI sina sina ex-Speaker Martin Romualdez at resigned Congressman Elizaldy Co.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, wala pang direktiba sa kanya ang Komisyon na ipatawag sina Romualdez at Co.

Samantala, inihayag ni Hosaka na kinapos sa oras kanina ang pagbibigay ng testimonya sa ICI ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Bunga nito, sa susunod na linggo ay muling iimbitahan ng ICI ang mag-asawang Discaya.

Iginiit naman ni Atty. Cornelio Samaniego III, tagapagsalita at abogado ng mag-asawang Discaya na marami pang pasasabugin ang kanilang kliyente kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments