ICONIC ROLE | Patrick Stewart, muling sasabak sa bagong series ng Star Trek

14

Hollywood – Inanunsiyo ngayon ng veteran actor na si Patrick Stewart na gaganap siya bilang Jean-Luc Picard sa bagong “Star Trek” series.

Ayon kay Stewart, babalikan niya ang iconic role kung saan isinagawa niya ang anunsiyo sa sorpresang pagdalo sa taunang Star Trek Convention sa Las Vegas.

Ang bagong serye ay ipapalabas ng CBS All Access Streaming Service at ipapalabas dito ang buhay ni Picard pagkalipas ng “Star Trek: Next Generation.”

Una nang tumakbo ang series mula taong 1987 hanggang 1994 na may 178 episodes na siyang naging daan sa maraming mga pelikula at noong huli ay taong 2002.

Facebook Comments