IDADAGDAG | Halos 70 milyong pisong halaga ng nasabat na smuggled na bigas mula sa Vietnam, ipapandagdag bilang supply ng NFA rice ayon sa Malacañang

36

Manila, Philippines – Hindi ipamimigay sa mahihirap ang nasabat na tinatayang P67 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na bigas mula sa Vietnam.

Sa halip, ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ibebenta ito bilang NFA rice dahil kaunti na ang supply nito.

Nitong Abril 14 nang masamsam ng Philippine Navy ang nasa 27,000 sako ng bigas mula sa isang dayuhang sasakyang pandagat sa bahagi ng Olutanga Island sa Zamboanga Sibugay.

Facebook Comments