Idaraos na Licensure examination for Professional Teachers ngayong Setyembre, sinuspinde ng PRC

Pansamantala munang sinuspinde ang September 2021 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa ilang lugar sa bansa.

Alinsunod ito sa kautusan ng Department of Health (DOH) at pagsunod na rin sa Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pag-iingat sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng Professional Regulation Commission (PRC), kabilang sa mga lugar na hindi muna magdaraos ng September 2021 LEPT ay ang; National Capital Region (NCR), Lucena, Romblon, Butuan.


Hindi rin papayagan ang mga request na pag-tranfer ng examination testing center.

Patuloy naman ang paghingi ng paumanhin at pag-unawa ng PRC sa mga lalahok sa exam.

Facebook Comments