IDENTITY THEFT | Hacker ng email accounts ni Selena Gomez, posibleng makulong ng 9 na taon

109

Mula sa Los Angeles, isang 22 year- old na babae ang kinasuhan ng identity theft at fraud dahil sa di umano ay pangha-hack nito ng email accounts ng Popstar na si Selena Gomez.

Kinilala ang suspect na si Susan Atrach, na nag-post online ng mga litrato ng Popstar na nakuha niya mula sa email accounts nito.

Nabatid na simula June 2015 pa, nang unang ma-access ni Atrach ang account ni Gomez at tumagal hanggang February 2016.

Sinampahan na ito ng 5 counts ng identity theft, 5 counts ng accessing computer data to commit fraud or illegally obtain money, property or data at 1 count of accessing computer data without permission.

Nakatakdang humarap sa korte si Atrach sa darating na August 27, na posibleng makulong ng 9 na taon sakaling mapatunayang guilty.

Facebook Comments