IED na gawa sa bala ng 105 Howitzer natagpuan sa Midsayap

Pinaniniwalaan ng military na kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang tangkang pagpapasabog sa tulay na nagdurugtong ng mga bayan sa North Cotabato at Maguindanao.

Sa impormasyong naiparating ng military sa DXMY, natagpuan ang Improvised Explosive Device sa Baranggay Olandang Midsayap kahapon. Gawa sa bala ng 105 mm Mortar ang IED.

Sinasabing posibleng hindi sumabog ang IED bagaman nasunog na ang wiring na nakakabit dito ng madatanan ng mga rumispondeng mga otoridad.


Nagpapasalamat na lamang ang mga otoridad at hindi nagtagumpay ang mga nag iwan ng IED.

Noong nakaraang araw , bahagyang naparalisa rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Talayan Maguindanao , matapos may madiskubre ring iniwang IED sa gilid ng highway.
Patuloy naman ang paghimok ng 6th ID at PNP sa publiko na maging mapagmatyag kontra sa banta ng IED.
FB PIC

Facebook Comments