IGINIIT | Australian professor na hinarang sa NAIA – nanindigan na wala siyang sinasalihang rally sa Pilipinas

369

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Australian Professor na si Gill Boehringer na walang basehan ang gobyerno ng Pilipinas para i-ban siya sa bansa.

Miyerkules nitong nakaraang Linggo nang harangin sa NAIA ang dayuhan na itinuturing na blacklisted dahil sa pagsama sa rally noong 2015.


Pero sabi ni Boehringer – wala siyang nilalahukang rally sa halip ay nagpunta siya sa isang educational trip papunta sa primary school ng mga batang lumad sa CARAGA region.

Nauna nang tinanggihan ng Bureau of Immigration ang apela ng dayuhan na alisin ang exclusion order laban sa kanya sa kabila ng kanyang health issue.

Nabatid na nasa kustodiya pa rin ng naia ang Australian professor habang hinihintay ang resulta ng kanyang medical test bago siya pabalikin sa Guangzhou, China kung saan siya nanggaling.

Facebook Comments

From Advertisers