IGINIIT | EO para ipagbawal ang mga casino sa Boracay, hindi na kailangan

21

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na kailangang mag-isyu ng executive order (EO) para ipagbawal ang mga casino sa Boracay.

Ayon kay Pangulong Duterte – ang pag-ban ng mga casino sa Boracay ay maaring hindi na idaan sa pag-iisyu ng EO.

Aniya, ang mga residente na ng Boracay ang tumututol sa pagkakaroon ng casino sa isla.

Ang pahayag ng Pangulo ay taliwas sa sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo at ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nagrerekomenda sa kanya na maglabas ng kautusan para maipatupad ang ‘no casino policy’.

Facebook Comments