IGINIIT | Ibang kongresista, nakatanggap ng mas malaking pondo kumpara kina Speaker Arroyo at Majority Leader Andaya

50

Manila, Philippines – Iginiit ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na hindi ang mga distrito nila ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Pampanga at Camarines Sur ang may pinakamalaking alokasyon sa 2019 national budget.

Ayon kay Andaya, mayroong lalawigan na binigyan ng walong bilyong piso para sa proposed projects ngunit tumanggi naman siyang pangalanan.

Kung ihahanay aniya ang mga congressman na pinagkalooban ng pondo para sa distrito ay nasa ika-isandaan lamang si Arroyo habang siya naman ay nasa 186th sa pinakamalaking alokasyon.

Hindi rin niya pinatulan ang panawagan ni Senator Panfilo Lacson na isauli ang pork barrel para magpakita ng good will dahil wala umano silang hininging ilagay at plenaryo na ang nag-apruba sa pambansang budget kaya dapat ipaubaya na ito sa bicameral conference committee.

Samantala, hinamon ni Andaya ang mga senador na para maging patas ay ibunyag nila ang ipinasok na pondo sa kani-kanyang lugar na nasasakupan na ginawa bago pa ang budget authorization.

Facebook Comments