IGINIIT | Liderato ng Senado, walang nakikitang mali sa pagkakaroon ni PRRD ng Chinese consultant

1477

Manila, Philippines – Walang nakikitang mali sina Senate President Tito Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa pagkuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa negosyanteng Chinese national na si Michael Yang bilang consultant niya.

Katwiran ni Senator Sotto, prerogative o karapatan ng Pangulo na pumili ng kanyang mga consultants.

Naniniwala naman si Senator Zubiri na nakakatulong si Yang sa pagkikipag-ugnayan sa mga Chinese investors.

Paliwanag pa ni Zubiri, kailangan din ng foreign adviser ng Pangulo para sa Filipino-China affairs.

Sa pagkakaalam din ni Zubiri, ay matagal na si Yang sa ating bansa at sa katunayan ay Bisaya ang alam nitong salita dahil sa Davao ito nakatira.

Facebook Comments