IGINIIT | NFA Administrator Jason Aquino, dapat nang mapalitan

41

Manila, Philippines – Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat nang palitan si National Food Authority o NFA Administrator Jason Aquino.

Ayon kay Robredo, ito ay dahil sa kabi-kabilang problema sa bigas.

Kasabay nito, nanawagan rin si Marikina Representative Miro Quimbo na dapat na ring magbitaw sa pwesto si Agriculture Secretary Manny Piñol.

Nais naman ni Senador Francis Pangilinan na gumawa ang Pangulo ng emergency task force na bubuoin ng mga economic manager.

Matatandaan bago pumuntang Israel sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya sisibakin sa pwesto sina Aquino at Piñol.

Facebook Comments