IGINIIT | Pag-aresto kay NDF consultant Vic Ladlad, malaki ang epekto sa hanay ng makakaliwang grupo – PNP

May malaking epekto sa hanay ng mga makakaliwang grupo ang pagkakaaresto kay National Democratic Front Consultant Vicente Ladlad.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya nagsisilbing peace consultant ng NDF si Ladlad pero ang totoo ay armado ito, sa katunayan aniya mga high powered o matataas na kalibre ng armas ang nakuha dito nang maaresto ito kagabi sa Quezon city.


Dahil sa pagkakaaresto naman kay Ladlad Pursigido silang palakasin pa ang localized peacetalks.

Naniniwala silang magiging matagumpay ito lalot natatakot na ang ilan sa mga makakaliwanag grupo na sapitin nila ang sitwasyon ngayon ni Vicente Ladlad.

Tiniyak naman ni Albayalde na hindi titigil ang PNP hanggat may mga nakakalaya pang mga NDF consultants.

Facebook Comments