IGINIIT | Pagbibigay ng buong tiwala sa AFP, PNP – mas kailangan ng administrasyon

71

Manila, Philippines – Nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) na labag sa konstitusyon at mga batas na umiiral sa bansa ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng Duterte Death Squad (DDS).

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni CHR Commissioner Atty. Gwen Pimentel na hindi na kailangang gumawa ng isang sparrow unit dahil mayroon namang PNP at AFP.

Kinuwestyon din nito ang tiwala ng administrasyon sa kakayahan ng mga pulis at sundalo at kinakailangan nitong bumuo ng DDS.

Para kay Pimentel, sapat nang nariyan ang PNP at AFP para magpatupad ng law and order sa bansa.

Facebook Comments