IGINIIT | Pagnanais ni Cayetano na maging susunod na house speaker, suportado ni PRRD

508

Manila, Philippines – Iginiit ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang target niyang maging susunod na house speaker.

Ayon kay Cayetano, hindi niya iiwan ang kagawaran kung hindi sang-ayon ang Pangulo Duterte.

Sinabi ni Cayetano na sa kanilang naging heart-to-heart talk anya ay tiniyak ng Presidente ang kanyang buong suporta sa pagtakbo bilang kongresista at pagiging speaker of the house.

Napagdesisyunan aniyang tumakbo muli sa Kongreso matapos ang pagbisita ng Pangulo sa Israel at Jordan.

Nakatakdang maghain ng kandidatura si Cayetano sa Miyerkules.

Facebook Comments