IGINIIT | Pangulong Duterte – dapat sisihin sa pagsipa ng inflation rate – Zarate

177

Manila, Philippines – Si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga economic manager ang dapat sisihin sa pagsirit ng inflation rate sa 6.4 percent noong Agosto.

Ayon ito kay Bayan Muna Rep. Carlos isagani zarate.

Aniya, hindi pa nga nakakabawi ang publiko sa mataas na bilihin dahil sa TRAIN 1, gusto namang madaliin ngayon ang pagsasabatas sa TRAIN 2.

Babala ni Zarate, posibleng mahigit doble ang itaas sa presyo ng mga bilihin kapag hindi naibasura ang TRAIN 1 at 2.

Payo ng mambabatas, sa halip na unahin ang politika, atupagin muna kung paano ibababa ang inflation rate at mapapamura ang presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments