IGINIIT | Pantawid pasada, pinapadagdagan ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Win Gatchalian na dagdagan at palawakin pa ang saklaw ng Pantawid Pasada Program o PPP sa harap ng pagpalo sa 6.7% ng inflation rate o pagtaas sa presyo ng bilihin.

Paliwanag ni Gatchalian, pangunahing dahilan ng inflation ay ang pagtaas ng langis na pumalo na sa 80$ per barrel sa international market.

Hirit ni Gatchalian, itaas sa 6,000 pesos ang kasalukuyang 5,000 pesos na subsidiya sa mga pampublikong jeep.


Ayon kay Gatchalian, sa ngayon ay nasa 180,000 behikulo ang nakikinabang sa PPP na dapat palawakin para saklawin din maging ang mga tricycle.

Ikinatwiran ni Gatchalian na dahil sa tumaas na presyo ng krudo ay apektado na hindi lang ang mga jeepney drivers kundi pati ang mga namamasada ng tricycle.

Facebook Comments