IGINIIT | Taun-taong pagsasapubliko ng kalusugan ng Pangulo, hindi na kailangan

Manila, Philippines – Walang nakikitang rason ang MalacaƱang para isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang medical bulletin kada taon.

Pahayag ito ng palasyo sa pahayag ng walong senatorial candidate na mahalagang isapubliko ang medical bulletin ng Pangulo.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, regular examination lang naman ang ginagawa sa presidente kada taon.
Gayunman, ibang usapin na aniya kung may malalang sakit ang Pangulo.
Ipinaliwanag pa ni Panelo na malinaw naman ang paninindigan ni Pangulong Duterte na nararapat talagang isapubliko ang medical bulletin kung mayroong malalang sakit ang lider ng bansa.


Isa pa aniya, pinatunayan na ito ni Pangulong Duterte nang kusa nitong isapubliko na sumailalim siya sa endoscopy at colonoscopy.

Facebook Comments