IGINIIT | VP Robredo, walang planong tumakbo sa pagkapangulo

119

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Vice President Leni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.

Pero kung sakaling pamunuan niya ang bansa, sinabi ni Robredo na pag-iisahin niya muli ang ‘watak-watak’ na bansa at ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Ani Robredo, magiging mahirap para sa susunod na Pangulo na pamunuan ang bansa kung ang mga tao ay nanatiling ‘divided’.

Sa ekonomiya naman, marami pang kailangang gawing aksyon para maresolba ang malaking fiscal deficit, mataas na inflation rate, at pagbagsak ng foreign direct investment.

Nakikita rin ni Robredo na hindi nabibigyang halaga ang sektro ng agrikultura at iba pang industriya na nagsusulong ng exports.

Facebook Comments