IHIHINTO | Paghuhukay sa natabunang gusali ng DPWH sa Natonin, Mountain Province, ititigil na bukas

51

Manila, Philippines – Ititigil na sa lunes ang paghuhukay sa mga natabunang bangkay mula sa gumuhong gusali ng DPWH sa Natonin Mt. Province.

Ayon kay Lt. Colonel Narcio Nabulneg, sakaling wala pa rin silang nahukay na katawan ay ititigil na nila ang paghahanap.

Pero maaari pa ring ipagpatuloy ang massive retrieval operation sa lunes, pero mga volunteers, pamilya ng mga biktima at ang lokal na pamahalaan na lang ang gagawa nito.

Paliwanag ng opisyal, may iba pang trabaho ang mga pulis at sundalo na dapat nilang pagtuunan.

Nagpasalamat naman si Natonin Mayor Mateo Chiyawan sa mga tumutulong sa retrieval operation.

Facebook Comments