Iñigo Pascual, ipinagtanggol ni KZ sa mga bashers nito

66

Ipinagtanggol ni KZ Tandingan si Iñigo Pascual sa mga bashers nito na nagsasabing wala nang patutunguhan ang singer-actor sa kaniyang career.

Say kasi ng ilang netizen na tila umaasa na lamang ito sa kasikatan ng iba partikular sa kaniyang makaka-tandem bukod pa sa apelyido ng kaniyang tatay na si Piolo.

Dapat daw ay magkaroon ito ng sariling identity at versatility mula sa pagkanta at pag-arte.

Ayon naman kay KZ, talented at kaya daw ni Iñigo na makipagsabayan kung saan unti-unti naman daw ito nakakamit ng singer-actor.

Huwag din daw agad-agad na husgahan si Iñigo at hindi daw nito ginagamit ang kaniyang apelyido para makilala siya sa showbizness.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, naging talk of the town ang mag-ama partikular si Piolo nang hamunin ng suntukan ang isang basher na sinabing bakla silang mag-ama.

Facebook Comments