IIMBESTIGAHAN | CHR, nagkasa na ng imbestigasyon hinggil sa pag-aresto kina Ocampo at Castro

705

Manila, Philippines – Nagkasa na ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa pagkulong kina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Act Techers Partylist Rep. France Castro sa talaingod, Davao del Norte.

Ayon kay CHR Chairperson Chito Gascon – nagpadala na sila ng quick response at fact-finding team sa talaingod para imbestigahan kung nalabag ang karapatan nina Ocampo at Castro.

Aniya, tututukan nila ang kaso at agad na isasapubliko sakaling mayroong nalabag sa karapatan ng mga akusado.

Matatandaang hinuli sina ocampo at castro at 16 na kasamahan nila dahil sa umano ay pagdukot sa 14 na mga batang lumad.

Pansamantala namang nakalaya ang mga akusado matapos na maglagak ng P80,000 piyansa bawat isa sa Tagum Regional Trial Court.

Facebook Comments