IIMBESTIGAHAN | Martin Andanar, iniimbestigahan narin kaugnay sa 60 million pesos advertisement ng DOT sa Tulfo brothers.

388

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na kabilang na si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa mga iniimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng 60 million pesos na advertisement fund ng Department of Tourism (DOT) na ibinigay sa production company nila Erwin at Ben Tulfo na mga kapatid naman ni Tourism Secretary Wanda Teo.
Ayon kay Go, sa ngayon ay inaalam na nila ang buong detalye ng report ng Commission on Audit sa DOT Ad placement sa Bitag Media na mayroong Blocktime Program sa PTV 4 na pagaari ng Pamahalaan.
Sa ngayon ay wala pang detalyeng ibinigay si Go kung kailan matatapos ang imbestigasyon at kung ano ang naging papel ni Andanar sa nasabing transaksyon.
Matatandaan kasi na bagamat may sariling Charter ang PTV 4 ay nananatili sa Presidential Communications Operations Office o PCOO na pinamumunuan ni Andanar ang pangagnasiwa dito.nm

Facebook Comments