IIMBESTIGAHAN | MIAA – Magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa kasong pangongotong ng dalawang airport police sa NAIA

20

Manila, Philippines – Magsasagawa na rin ng sarili nilang imbestigasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa kinasangkutang reklamo ng dalawa nitong airport police.

Kahapon nang maaresto ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) sina PO1 Pablo Atayde Jr. At PO1 Danilo Levite Jr Dahil sa pangongotong sa mga taxi driver sa NAIA terminal 2.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal – Hindi niya palalampasin ang mga iligal na gawain ng mismong mga tauhan ng paliparan.

Inaalam na ng ahensya kung gaano na katagal nangongotong ang dalawang airport police.

Sa ngayon, hinihintay na lang din ng miaa ang kopya ng post operation report ng entrapment operation na ikinasa ng CITF.

Facebook Comments