IIMBESTIGAHAN | Sinasabing pagsira o pag-shred sa mga dokumento ng DOJ ni dating Justice Secretary Aguirre, iimbestigahan ng bagong kalihim

42

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na aalamin niya kung sino ang nagbigay ng kautusan na sirain o i-shred ang sinasabing mahahalagang dokumento sa Department of Justice (DOJ).

Iimbestigahan din aniya nila kung anong mga dokumento ang sinasabing sinira ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre nang mag-impake ito sa DOJ.

Tiniyak din ni Guevarra na tatanungin niya si Aguirre hinggil sa nasabing ulat.

Una nang tinawag ni Aguirre na malisyoso ang pagkakasulat ng naturang balita.

Aniya,wala rin siyang inutusang tauhan para mag-shred ng mga dokumento sa huling araw niya sa DOJ.

Facebook Comments