Iisang kaso ng COVID-19, sapat nang dahilan ng lockdown sa isang kabahayan at condominium floor

243

Sapat na dahilan na ang iisang kaso ng COVID-19 upang magpatupad ng granular lockdown sa isang bahay at condominium floor.

Ayon kay Parañaque City Mayor at Metro Manila Council head Edwin Olivarez, sa ilang partikular na lugar lamang magpapatupad ng micro-granular” restrictive measure.


Sapat naman ang dalawang kaso upang magpatupad ng lockdown sa buong street kung saan agad na magsasagawa ng isolation at testing upang makontrol ang hawaan.

Ngayong araw na ang simula ng pilot implementation ng granular lockdown na sinang-ayunan ng lahat ng alkalde ng National Capital Region (NCR).

Facebook Comments