Ika-12 na ferry boat ng Pasig Ferry, handa magbigay serbisyo sa publiko

49

Aarangkada na ang ikalabindalawang ferry boat ng Pasig River Ferry Service matapos na pormal na itong ibigay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ginagawang signing of deed of donation at turnover ceremony ngayong araw sa Guadalupe Ferry Station sa Makati City, tinanggap ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang nasabing ferry boat na pinangalanang M/B Vicente Ferry Boat.


Ang nasabing 50-seater ferry boat ay isang donasyon mula sa New San Jose Builders Inc.

Personal naman na nagpaabot ng pasasalamat si Abalos kay NSJBI Chairman Jose Acuzar sa ibinigay na donasyon nito.

Katulad ng iba pang ferry boat ng Pasig Ferry, ang M/B Vicente Ferry Boat ay bibiyahe na simula ngayong araw sa lahat ng istasyon nito mula Pinagbuhatan, Pasig hanggang Escola Manila at vice-versa.

Facebook Comments