Ika-13 lalaki sa Room 2207, nagpakita sa NBI; Negatibong drug test result ng limang respondents sa pagkamatay ni Dacera, isinapubliko

195

Dumating sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila mula Tacloban ang isa pang occupant sa Room 2207.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, siya ang ika-13 na occupant na lalaki sa nasabing kwarto kung saan pumupunta noon ang flight attendant na si Christine Dacera.


Base sa ulat, posibleng gawing state witness sa kaso ang nasabing lalaki oras na maberipika na ang kaniyang testimonya at sasailalim din ito sa polygraph test.

Matatandaang natagpuang walang buhay si Dacera sa bathtub ng Room 2209 noong January 1 matapos dumalo sa isang year-end party kasama ang mga kaibigan.

Samantala, Inilabas ng kampo ng lima sa mga respondents sa kaso ng pagkamatay ni Dacera na sina Gregorio de Guzman, Alain Chen o Valentine Rosales, Rommel Galido, Clark Rapinan at JP dela Serna ang kanilang negatibong drug test result.

Facebook Comments