Ika-14 na kaso ng COVID-19, kinumpirma sa Kamara

31

Naitala ngayon ang ika-14 na kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan.

Kinumpirma ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales na miyembro ng security staff ang pinakahuling kaso ng nagpositibo sa Coronavirus Disease.


Ayon kay Montales, June 14, 2020 ito ng huling pumasok sa kanyang rotational duty at pumunta ulit ng Batasan Complex noong June 29, 2020 para kunin ang sahod.

Kasalukuyang naka-home quarantine na ngayon ang security staff.

Muling pinaalalahanan ni Montales ang lahat lalo na ang mga kawani ng Mababang Kapulungan na magdoble ingat lalo’t mas nahaharap sa mas malaking banta na mahawaan ng COVID-19 ang mga tao bunsod na rin sa pagluwag ng travel restrictions at pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments