Ika-160 taong kaarawan ni Gat Jose Rizal, ginunita sa Maynila

Nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila ang ilang opisyal ng lungsod kasabay ng ika-160 taong anibersaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani.

Nanguna sa wreath laying ceremony sina Manila City Vice Mayor Honey Lacuna at si National Parks Development Committee Executive Director Cecille Romero.

Ginawaran din ng 21 gun salute ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bantayog ni Gat Jose Rizal.


Maliban dito, nag-alay rin ng bulaklak at nagsagawa ng programa sa bantayog ni Gat Jose Rizal ang religious group na Rizalista.

Facebook Comments