Ika-2 ilegal na medical facility sa Clark Freeport Zone, ni-raid ng NBI; 3 Chinese nationals, arestado!

Arestado ang tatlong Chinese nationals sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) at Food and Drug Administration (FDA) sa ikalawang ilegal na medical facility sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Sa inisyal na ulat ng NBI, kinilala ang mga nadakip na sina Zidong Guo, 53-anyos na nagpakilalang doktor, Hong Liao Lling, 28-anyos at Chen Wei Ming, 32-anyos.

Nakuha sa mga suspek ang 20 milyon pisong halaga ng unregistered na mga gamot, pagkain at cosmetic products na may mga Chinese characters at hindi rehistrado sa FDA.


Dinala ang mga nadakip na suspek at mga ebidensya sa NBI CELRO detention facility para sa karampatang dokumentasyon.

Facebook Comments