Ika-24 petisyon kontra Anti-Terror Law, inihain sa Korte Suprema ng grupo ni dating Vice President Jejomar Binay

365

Naghain na rin ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Act of 2020 ang Concerned Lawyers for Civil Liberties.


Kabilang sa petitioners sa ika-24 na petisyon ay sina dating Sen. Rene A.V. Saguisag, Dean Pacifico A. Agabin, dating Vice President Jejomar C. Binay, at iba pa.

Kinuwestiyon nila ang constitutionality ng naturang batas at hiniling nila na pigilan ang pagpapatupad nito.

Hiniling din sa Supreme Court ng Concerned Lawyers for Civil Liberties na ideklarang “null and void” ang batas at maglabas ng temporary restraining order para mapahinto ang pagpapatupad nito.

Ayon pa sa grupo, ang Anti-Terror Law ay taliwas sa ilang probisyon ng 1987 Constitution, partikular ang Bill of Rights.

Respondents naman sa petisyon sina Pangulong Rodrigo Duterte, Executive Sec. Salvador Medialdea gayundin ang Senado at Kamara.

Facebook Comments