Ika-4 na SONA ni PRRD, magiging mapayapa

33

Asahan ang mapayapa, ligtas at maayos na State of the Nation Address sa Lunes, July 22.

Ito ang tiniyak ni House of Representatives Sergeant-at-Arms, retired Major General Romeo Prestoza.


Ayon kay Prestoza – walang gagawing pagbabago sa kanilang security preparations dahil wala silang natatanggap na anumang banta.

Patuloy din ang kanilang coordination sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at iba pang intel units upang matiyak ang kaligtasan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte, kundi maging ang 1,500 bisitang dadalo sa SONA.

Nasa 1,000 tauhan ng Presidential Security Group (PSG) ang ipapakalat, maliban pa sa mga miyembro ng AFP Joint Task Force-NCR at NCRPO.

Una nang sinabi ni NCRPO Director, Major General Guillermo Eleazar na higit 9,000 security forces ang magbabantay malapit sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments

From Advertisers