Ika-42nd centenarian sa Makati, binigyan ng pagpupugay ni Makati Mayor Abby Binay

20

Makati City – Binigyan ng pagpupugay ni Makati Mayor Abby Binay ang ika-42 na centenarian ng Makati City.

Bumisita ang alkade sa tahanan ni Lola Salvacion Fantonia sa barangay sa West Rembo kung saan nakatanggap ito ng 100 thousand pesos check, plaque recognition at isang bouquet ng bulaklak.

Ayon kay Binay, isang pribelehiyo ang pagbibigay pugay sa mga matatanda.

Sa city ordinance no. ‎2012-099 ng Makati, ang mga matatandang mayroong blu card na aabot ang edad sa 100 taon ay makakakuha isang daang libong piso ngunit dapat ay residente na Makati at Filipino citizen.

Facebook Comments