Ika-47 na season ng PBA, pormal nang nagbukas kahapon; TNT at Rain or Shine, kapwa nagwagi sa kanilang opening games

43

Nagwagi ang defending champions na TNT Tropang Giga laban sa Magnolia Timplados Hotshots sa pagbubukas kahapon ng 2022-23 PBA Philippine Cup.

Pinangunahan ni Jayson Castro ang TNT na nakapagtala ng 16 points at 6 assists para magtapos ang laban sa score na 78-72.

Habang itinanghal namang player of the game si Troy Rosario na nakakuha ng 22 points at 10 rebounds.


Panalo rin ang Rain or Shine sa kanilang laban kontra sa bagong PBA team na Converge Fiber XERS na nagtapos sa 79-77 na score.

Nanguna naman para sa Elasto Painters si Beau Belga na may 17 points at dinagdagan ng 18 points at 9 rebounds ni Santi Santillan.

Pero bago ang mga laro kahapon ay pinangalanan ng PBA ang mga nanalo sa iba’t ibang awards noong nakaraang season.



Nakuha ni Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player award habang si Mikey Williams naman ang itinanghal na rookie of the year.

Samantala, mamaya namang alas-8:00 ng umaga gaganapin ang game 2 ng NBA best of seven finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics.


Sa ngayon, lamang na sa serye ang Celtics at tatlong panalo na lamang ang kailangan para masungkit ang ika-18 kampyonato.

Facebook Comments