Ika-5 batch kaso kaugnay ng Dengvaxia, isasampa na rin sa DOJ ng PAO

83

Manila, Philippines – Ihahain na rin ng Public Attorney’s Office (PAO) ang ika-limang batch ng Dengvaxia case sa Nobyembre 18.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, limang kaso ang kanilang ihahain na bubuo sa ika-limang batch ng Dengvaxia case.


Ang kaso ay nag-ugat sa pagkamatay ng limang bata na naturukan ng Dengvaxia.

Samantala, sa susunod na hearing sa Nobyembre 18, magsusumite ang dalawang respondents ng kanilang rejoinder affidavit habang magsusumite naman ng kanilang rejoinder ang limang respondents na nasa ibang bansa.

Sa December 18, magsusumite ang PAO ng kanilang rejoinder affidavit laban sa limang respondents at magiging submitted for resolution na ang kaso.

Kanina sa isinagawang pagdinig, tatlong respondents ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang rejoinder affidavit at mabibigyan lamang sila ng hanggang ngayong araw para magsumite.

Facebook Comments

From Advertisers