IKA-ANIM NA DISTRITO NGPANGASINAN TIYAK NA MAKAKATANGGAP NG KARAGDAGANG BAKUNA LABAN SA COVID-19

23

Sa pagbisita ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa lalawigan ng Pangasinan, tiniyak nitong makakatanggap ang ika-anim na distrito ng karagdagang suplay ng bakuna kontra COVID-19.

Ito rin ang naging panawagan ng mga alkalde ng bawat bayan sa nasabing distrito.
Dahil sa malawakang Information Education Campaign kontra COVID-19 ng bawat bayan ay marami ng mga nahihikayat na magpabakuna upang malabanan ang nasabing virus.
Samantala, tinatayang aabot sa 20 million na bakuna sa Pilipinas ang paparating na ayon sa presidential spokesperson.


Facebook Comments