Tuesday, June 9, 2026

Ika-limang SONA ni PBBM, simple lang

Simple lang ang magiging State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa July 27, 2026 pero marangal.

Ito ang inihayag ni House Secretary General Cheloy Garafil sa unang Inter-Agency Coordination Meeting na idinaos ngayong araw sa Batasan Complex.

Ayon kay Garafil, lahat ng kanilang preparasyon ay target na gawing simple ang SONA kaya hindi na maglalagay ng mga red carpets at hinihikayat niya ang mga dadalo – lalo na ang mga kababaihan na huwag magsuot ng bonggang mga gowns.

Binanggit ni Garafil na sa kanila ipapamahaging mga imbitasyon para sa SONA ay nakasaad na simpleng barong tagalog o filipiniana dress ang isuot sa SONA.

Tiniyak naman ni Senate Secretary General Renato Bantug ang buong kooperasyon ng Senado para sa ikatatagumpay ng idaraos na SONA.

Present din sa pulong ang mga opisyal ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahanda para sa SONA kabilang ang mga taga-Malacañang, Philipine National Police (PNP) at iba pa.

Facebook Comments