ika-pitong RMN Run sa Kalilangan, naging matagumpay

*General Santos City— Naging matagumpay ang ika-pitong RMN run sa kalilangan na isinagawa ng RMN Gensan kasama ang IFM gensan kasabay ng selebrasyon ang kalilangan sa lungsod.*
*Ginawa ang rmn runkaninang umaga sa isang mall nitong lungsod ng general santos kung saan tinatayang nasa humigit kumulang isang libo ang lumahok nasabing aktibidad.*
*Mas pinakulay ngayong taon ang rmn run sa kalilangan dahil sa tema at target ng mga kabataan.*
*Maliban sa isang family bonding ang RMN run sa Kalilangan, bahagi ng nalikom na pera mula sa registration ay mapupunta sa RMN foundation.*
*Malaki naman ang pasasalamat ang station manager ng DXMD Gensan na si Rikina Daven at IFM Gensan na si Arman Enriquez sa matagumpay na namang RMN run sa kalailangan at inaasahan na mas marami pa ang dadalo sa mga susunod na taon at upang mas marami ang matulungan sa pamamagitan ng rmn foundation.*

Facebook Comments