Ika-pitong suspek sa Manchester bombing – naaresto na

63

Manchester City – Hawak na ng British police ang ika-pitong suspek sa pambobomba sa concert ng American pop singer na si Ariana Grande sa Manchester City.

Naaresto ang hindi pa pinapangalanang suspek sa kalagitnaan ng paghahalughog ng mga pulis sa isang bahay sa Nuneaton, Warwickshire.


Patuloy namang inaalam ng otoridad kung konektado ang pito sa sinasabing suicide bomber na si Salman Abedi.

Nabatid na dating miyembro ng Al-Qaeda sa Libya ang ama ni Abedi na kasalukuyang nakakulong sa Tripoli.
DZXL558

Facebook Comments