Ika-sampung linggong taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na

Sa ika-sampung linggo ay tataas muli ng tatlo hanggang limang piso kada litro ang presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng Unioil, aakyat ng P5.30 hanggang P5.50 ang kada litro ng diesel.

Tataas naman ng P3.60 hanggang P3.80 ang kada litro ng gasoline.


Nasa P4.00 hanggang P4.10 naman ang itataas ng kada litro ng kerosene.

Sa kabuuan, nasa P10 hanggang P11 piso na ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Inaasahan namang maglalabas ng abiso ang oil companies kaugnay nito bukas, March 7, 2022.

Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na giyera ng Russia laban sa Ukraine kung saan ang Russia ay ang pangatlong pinakamalaking oil-producer sa buong mundo.

Facebook Comments