IKALAWA SA MOST WANTED SA KASONG MURDER SA KALINGA, TIKLO

Arestado sa Tabuk City, Kalinga ang itinuturing na ikalawa sa most wanted person sa lalawigan sa isinagawang operasyon ng pulisya.

Kinilala ang suspek na isang 26 anyos na lalaki at residente rin sa nasabing lugar.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong pagpatay, kung saan walang inirerekomendang piyansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng CIDG Kalinga Provincial Field Unit ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagharap sa kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments