Ikalawang batch mga Pinoy seafarer, babakunahan sa Taguig mamayang hapon

72

Panibagong 500 Filipino seafarers ang isasalang ngayong hapon sa pagbabakuna sa Taguig City.

Partikular na gagawin ang vaccination sa seafarers sa BGC High Street Mega Vaccination Hub.


Una nang binakunahan ang 500 Pinoy Seafarers sa ginanap na selebrasyon ng International Seafarer’s Day sa Lower Bicutan Mega Vaccination Hub.

Kabilang sa sasaksi sa nasabing pagbabakuna mamayang alas-4:00 ng hapon sina Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, Labor Secretary Silvestre Bello III at Testing Czar Secretary Vince Dizon.

Facebook Comments