Ikalawang batch ng Pifzer vaccines, dumating na sa bansa

49

Natanggap na ng Pilipinas ang karagdagang 375,570 doses ng Pfizer vaccines laban sa COVIDS-19.

Ito ay bahagi ng second tranche ng live-saving jabs na ipinadala ng Pfizer mula sa kabuoang 40 million doses na binili ng pamahalaan noong nakaraang buwan.


Lulan ng Air Hong Kong plane sa pamamagitan ng DHL flight LD457 ay lumapag ito sa Cebu-Mactan International Airport sa Lapu-Lapu City, alas-6:23 ng gabi.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 51,380 doses ang ilalaan sa Cebu para sa pagbabakuna ng 25,770 individuals.

Umalis ang eroplano sa Cebu alas-7:45 ng gabi at lumapag sa NAIA Terminal 3 sa Pasay dala ang 272,610 doses.

Ang natitirang 51,480 doses ay ipapadala naman sa Davao City ngayong araw, alas-6:30 ng umaga.



Sa ngayon, aabot na sa 31,360,700 doses ang natanggap ng Pilipinas.

Una nang dumating noong July 21 ang 562,770 Pfizer doses na bahagi ng first shipment.


Facebook Comments