Ikalawang bombang sumabog sa Quiapo Maynila, iniimbistagahan na kung saan nanggaling

136

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Manila Police District (MPD) kung nanggaling sa itaas ng gusali ang naghagis ng ikalawang bomba na sumabog sa Quiapo, Maynila nitong Sabado.

Ayon kay MPD Director, Sr/Supt. Joel Coronel – inakyat ng kanilang tauhan ang ika-apat na palapag ng isang gusali kung saan sinukat kung saan posibleng bumagsak ang bomba sakaling itapon ito mula sa itaas.


Kasabay nito, tatlong katao rin aniya mula sa lugar ang isinama ng MPD.

Nilinaw din ni Coronel na bahagi ng kanilang Standard Operating Procedures ang pagkordon o lockdown sa lugar na pinagyarihan ng pagsabog.

Sa ngayon, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may iisang target ang pambobomba.
DZXL558

Facebook Comments