Ikalawang Ginto ng Gilipinas, nasungkit ni Agatha Wong para sa Women’s Wushu Taijiquan Event

Muling nakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas para sa kategoryang Wushu sa Southeast Asian (SEA) Games 2019 na idinaos sa World Trade Center sa Pasay ngayong umaga.

Ang ikalawang ginto ay nasungkit ni Agatha Wong na nakakuha ng kabuuang score na 9.67 para manaig laban sa siyam pang manlalaro sa kategoryang Wushu.

Si Wong ay una na ring lumahok noong 2017 SEA Games sa ginanap sa Kuala Lumpur.


Nabatid na una ring nakakuha ng gintong medalya ang Pilipinas mula kay John “Rambo” Chicano sa kategoryang Men’s Individual Triathlon na naganap sa Subic, Zambales ngayon ding umaga.

Facebook Comments