Ikalawang SONA ni Pangulong Duterte, mas mahaba; Mahigit 6,000 pulis, ipapakalat ng PNP

198

Manila, Philippines – Inaasahang magiging mas mahaba ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar – posibleng i-anunsyo ng Pangulo sa sona ang mga bago nitong polisiya.

Ilan rin sa inaasahang babanggitin ng Pangulo ay ang isyu ng krisis sa marawi at pagbabalik ng transaksyon ng iligal na droga sa Bilibid.

Samantala, nasa 6,000 pulis naman ang ipapakalat sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa araw ng SONA.

Wala namang namo-monitor ang PNP na anumang banta sa seguridad.

Facebook Comments