Ikalimang batch ng COVID-19 vaccines nakarating na sa Sulu at Tawi-Tawi

 

Nai-transport na ng militar sa lalawigan ng Sulu at Tawi-tawi ang ilang kahon ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Colonel Alaric Avelino delos Santos, isinakay sa C295 aircraft ng Philippine Air Force ang dalawang kahon ng AztraZeneca vaccines.

Bawat kahon ay naglalaman ng 2,080 doses na agad na nai-turn over sa mga health officer sa dalawang probinsya.


Ito ang ikalimang batch ng vaccine na nai-transport ng militar sa Sulu at Tawi-Tawi.

 

Facebook Comments